Jellyfish Adventures!

  • Home
  • Pages
  • Shortcodes
  • About me
  • Download This Template
Showing posts with label school. Show all posts
Showing posts with label school. Show all posts

Nagkaroon ang buong Grade 2 ng isang lakbay aral para sa Science at AT ngayong araw na ito, Pebrero 19.  Una kaming pumunta sa UP Diliman National Institute of Geological Science  (NIGS) para sa aming paksa sa Science na Earth Fossils.  Dito ay aming nakita ang maraming exhibit na fossils, minerals, isang Stegodon tusk, volcanic bomb, mga starfish at iba't ibang uri ng kahoy at lupa.



















Mayroon pang alagang isang buhay at kakaibang hayop ang NIGS museum; isang porcupine na ang pangalan ay Bob! Ngayon lang ako nakakita ng porcupine.




Sumunod na aming pinuntahan ay ang Museo ng Katipunan sa Lungsod ng San Juan. Marami kaming nakitang display na likhang sining, rebulto at mga palatandaan ng buhay at kasaysayan ng ating mga bayani nuong Rebolusyon para sa kalayaan mula sa mga Kastila sa pamumuno ni Andres Bonifacio.

Marami na naman akong natutunan sa lakbay aral na ito! 








Sa Pasig Museum 

Sa Pasig Museum meron mga iba't ibang mga bagay. Yung mga bagay na iyon ay iba't ibang uri ng pera, mutya, Natural Science at yung Megalodon. Nung natapos kami sa Pasig Museum pumunta kami sa Immaculate Conception Cathedral. Kumain kami ng pananghaliang pancit at shanghai sa labas ng museo. Ngunit, napakainit ng panahon kaya't nagpasya kaming bumalik sa loob. Pagkatapos kami ay sumakay nang lahat sa van. Kami ay umuwi na sa Raya.

Nakakatuwa sa Pasig Museum. Madami akong natutunan. Nais kong bumalik ulit dito sa susunod.

Gusto ko kayong imbitahing pumunta sa Pasig Museum.

Abangan ang aking mga susunod na blogs!

Ang  Global Warming ay paginit sa planeta. Pag mainit sa planeta,mamatay yung mga tao.

 Para walang Global Warming,mag lagay ng halaman at mga iba. Yung araw ay mainit kaya papawisan ka. Pag sobrang mainit,mamatay yung mga halaman, at mamatay yung hayop. Mag lagay ng mga halaman at mag reduce,reuse,recyle! 

Kami sa Raya school ay pumunta sa Kidzania. Sa  Kidzania,maraming mga trabaho. Yung Kidzos ay mga pera para magawa yung trabaho. Naging piloto ako at kumain sa Mcdonald's sa Kidzania. Pumunta kami doon at umuwi kami.
Home

About Me

My photo
Tim Pinzon
Hi! Ako si Tim Pinzon. Walong taong gulang na mag-aaral ng Raya School. Kabilang ako sa Grade 2 Magiting.
View my complete profile

Blog Archive

  • ▼  2016 (7)
    • ▼  March (2)
      • Gusto ko ng KALAYAAN
      • Sa Maynila      Sa Maynila, nagpunta kami sa Riz...
    • ►  February (3)
    • ►  January (2)

Copyright © Jellyfish Adventures! Blogger Templates