Ayon sa aking nabasa sa Internet, "ang kalayaan ay ang paggawa ng ating gustong gawin."(1) Masasabing may kalayaan ka kapag "malaya kang lumikha, humimok, magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan." (2)
Kailangan natin alagaan ang ating kalayaan. Dapat maging responsable ang mga bata at tao. Kailangan gumawa tayo ng tama at makakatulong sa ibang tao.
Kapag may kalayaan, ang mga bata ay pwedeng maglaro at mag-aral.
Kapag walang kalayaan hindi natin magagawa ang ating gustong gawin. Nakakatakot at nakakalungkot kapag walang kalayaan. Tulad noong Martial Law. Kaya gusto ko ng kalayaan. Gusto kong gumuhit at maglaro kasama ang aking mga kamag-
aral.
![]() |
Si Kalayaan (larawan mula sa Phil Eagle Foundation) |
Sa Maynila
Sa Maynila, nagpunta kami sa Rizal Park. Nakakita ako ng malaking rebulto. Pumunta kami sa San Agustin church para mag dadasal. Pumunta din kami sa Fort Santiago para makita si Jose Rizal pero rebulto lang siya. Nakita ko yung dungeons sa labas kung saan siya kinulong. Dito rin namin nakita ang kanyang mga yapak o footprints na ginawa sa ginto. Pagkatapos, kami ay nagpunta sa Paco Park. Dito kami ay nagtakbuhan sa bilog. Nakakita ako ng playground. Naglaro ako sa playground kasama ang aking mga mga kaklase.
![]() |
Rizal Park (Retrato mula kay Maxene Velasco: pinterest.com) |
About Me

- Tim Pinzon
- Hi! Ako si Tim Pinzon. Walong taong gulang na mag-aaral ng Raya School. Kabilang ako sa Grade 2 Magiting.