Sa English Fair ay meron kaming ginawa na Puppet show. Meron din mga pinamigay na candy kapag tama ang sagot sa mga tanong. Marami din libro sa booth ng Grade 3, binasa ko silang lahat. Makulay at masaya ang English Fair. Maraming nakapaskil na poster. Madami din mga nakaguhit sa dingding. Nakipagkulitan ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko sana maulit ang English Fair!
Nagkaroon ang buong Grade 2 ng isang lakbay aral para sa Science at AT ngayong araw na ito, Pebrero 19. Una kaming pumunta sa UP Diliman National Institute of Geological Science (NIGS) para sa aming paksa sa Science na Earth Fossils. Dito ay aming nakita ang maraming exhibit na fossils, minerals, isang Stegodon tusk, volcanic bomb, mga starfish at iba't ibang uri ng kahoy at lupa.
Mayroon pang alagang isang buhay at kakaibang hayop ang NIGS museum; isang porcupine na ang pangalan ay Bob! Ngayon lang ako nakakita ng porcupine.
Sumunod na aming pinuntahan ay ang Museo ng Katipunan sa Lungsod ng San Juan. Marami kaming nakitang display na likhang sining, rebulto at mga palatandaan ng buhay at kasaysayan ng ating mga bayani nuong Rebolusyon para sa kalayaan mula sa mga Kastila sa pamumuno ni Andres Bonifacio.
Marami na naman akong natutunan sa lakbay aral na ito!
Sa Pasig Museum

Nakakatuwa sa Pasig Museum. Madami akong natutunan. Nais kong bumalik ulit dito sa susunod.
Gusto ko kayong imbitahing pumunta sa Pasig Museum.
Abangan ang aking mga susunod na blogs!
About Me

- Tim Pinzon
- Hi! Ako si Tim Pinzon. Walong taong gulang na mag-aaral ng Raya School. Kabilang ako sa Grade 2 Magiting.